Tuluyan ng na-decommissioned ng Philippine Air Force (PAF) ang buong fleet ng Bell UH-1H Iroquois “Huey” helicopters.

Dahil dito ay tinatapos na nito ang halos anim na dekada na gamit ng military sa bansa.

Isinagawa ang decommissioning ceremony sa Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Sinabi ni PAF spokesperson Col. Alvin Jay Capinguian na mayroong anim ang PAF na UH-1H helicopters na natitira sa kanilang inventory at lahat aniya ng mga ito ay operational bago ang retirement.

Noong Marso 29, 1969 ng dumating ang apat na units ng nasabing helicopters sa Villamor Air Base.

-- ADVERTISEMENT --

Ginagamit ang nasabing mga helicopters sa kanilang military operations at humanitarian missions sa buong bansa.