Pasok na sa semifinals ng Hong Kong Tennis Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin si Antonia Ruzic ng Croatia sa quarterfinals, 7-6 (7), 7-5.

Nailigtas ni Eala ang unang set matapos umabot sa tiebreak, kung saan nakalamang siya ng tatlong sunod na puntos upang maselyuhan ang panalo.

Sa ikalawang set, nakabawi rin ang Filipina matapos maantala ang laro dahil sa ulan at tuluyang tinapos ang laban sa 7-5.

Makakaharap naman ni Eala si Maria Sakkari ng Greece sa semifinals para sa puwesto sa championship match.