
Nanawagan ang Malacañang sa mga ahensya ng pamahalaan na panatilihing simple ang kanilang Christmas party bilang bahagi ng pagtitipid ng gobyerno sa harap ng inaasahang epekto ng matinding El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nananatili ang ipinatutupad na austerity measures ng administrasyon kaya dapat unahin ang mga gastusing may kinalaman sa mahahalagang pangangailangan ng publiko.
Samantala, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya na maghanda sa posibleng kakulangan sa suplay ng tubig at matinding init dulot ng Super El Niño.
Pinagmamapa rin ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga lugar na posibleng makaranas ng kakulangan sa tubig at inatasan ang mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang kanilang pangangailangan, kabilang ang generator, solar power system at imbakan ng tubig.
Kabilang sa mga lugar na posibleng matinding maapektuhan ng tagtuyot ang Cagayan Valley.










