Kinuwestiyon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagpapahintulot na magkaroon ng personal assistant si dating House Speaker Martin Romualdez habang nakakulong.

Sa kaniyang programa sa radyo nitong Sabado, Nobyembre 7, sinabi ni Remulla na walang dahilan upang payagang magkaroon ng personal aide ang isang person deprived of liberty na nagmumula pa sa labas ng kulungan.

Sinabi rin ng Ombudsman na iimbestigahan niya ang naturang arrangement at alam niya kung sino ang mga nasa likod nito, bagama’t hindi muna niya pinangalanan ang mga ito.

Samantala, kinumpirma ng BJMP na iniimbestigahan na nito ang arrangement na pinayagan ng isang jail warden.

Tiniyak din ng ahensya na hindi nito kukunsintihin ang anumang hindi awtorisadong pribilehiyo o espesyal na pagtrato sa mga persons deprived of liberty at pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga patakaran.

-- ADVERTISEMENT --