Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ang kanilang year-end bonus na katumbas ng isang buwang basic salary at ₱5,000 cash gift kasama ng kanilang unang sahod ngayong Nobyembre.

Inihayag ng DBM na nailabas na nito ang kabuuang ₱82.998 bilyong pondo para sa mga benepisyo ng mga kwalipikadong sibilyan, militar at uniformed personnel.

Mula rito, ₱73.449 bilyon ang inilaan para sa year-end bonus at ₱9.549 bilyon naman para sa cash gift.

Ayon kay Budget Secretary Kim Robert de Leon, inatasan na ang mga ahensya na huwag antalahin ang pagbabayad at tiyaking sabay na matatanggap ng mga empleyado ang dalawang benepisyo.

Upang maging kwalipikado, kailangang nakapaglingkod ang empleyado nang hindi bababa sa 120 araw mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026, at nananatili sa serbisyo hanggang sa nasabing petsa.

-- ADVERTISEMENT --