Umarangkada sa finals ng 2026 Hong Kong Tennis Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang world No. 9 na si Maria Sakkari ng Greece sa kanilang semifinal match.

Naitala ni Eala ang 7-5, 3-6, 6-4 na panalo sa kabila ng mga pagkaantala ng laro dahil sa lagay ng panahon. Nakabawi ang Pilipina sa deciding set matapos mabigo sa ikalawang set.

Itinuturing itong pinakamalaking panalo sa kaniyang career laban sa isang manlalaro ng ganitong mataas na ranking at ikalawang pagkakataon niyang makapasok sa finals ng isang professional circuit ngayong taon.

Makakaharap naman niya sa championship match ang Amerikanang si Claire Liu para sa inaasam na korona sa WTA 250 tournament.