
Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang business groups, labor organizations at civil society organizations sa panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipagpatuloy ang dayalogo at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sa kanilang magkasanib na pahayag nitong Sabado, pinuri ng mga grupo ang pakikipagpulong ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro kay Chinese Foreign Minister Wang Yi bilang bahagi ng pagsusulong ng diplomasya at pangangalaga sa pambansang interes.
Binigyang-diin ng mga organisasyon na mahalaga ang ugnayan ng dalawang bansa sa kalakalan, pamumuhunan, teknolohiya, imprastraktura, turismo at kapakanan ng mga overseas Filipino workers.
Iginiit din nilang maaaring ipaglaban ng Pilipinas ang soberanya at pambansang interes habang patuloy na naghahanap ng kapwa kapaki-pakinabang na oportunidad sa ekonomiya sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan sa China.









