Pormal na sinalubong ni Chinese President Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Shenzhen, China nitong Miyerkules ng gabi para sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting.

Kasama ang iba pang lider ng mga bansang kasapi ng APEC at kanilang mga asawa, dumalo ang mag-asawang Marcos sa isang gala dinner at cultural presentation.

Dumating sa China ang Pangulo at ang kanyang delegasyon bandang alas-5:30 ng hapon.

Gaganapin mula Nobyembre 18 hanggang 19 ang APEC Leaders’ Meeting na may temang “Building an Asia-Pacific Community to Prosper Together.”

Ang APEC ay binubuo ng 21 ekonomiya sa rehiyon ng Asia-Pacific.

-- ADVERTISEMENT --