Nangako si Chinese President Xi Jinping ng $20 milyon na tulong-pinansyal upang suportahan ang mga programa at proyekto ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Inihayag ito ni Xi sa pagbubukas ng 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China nitong Huwebes.

Kasabay nito, inanunsiyo niya ang pagtatatag ng isang sentro para sa pag-aaral ng Asia-Pacific community sa Shenzhen upang magsagawa ng pananaliksik at pagpapalitan ng kaalaman hinggil sa kooperasyong panrehiyon.

Kabilang din sa mga nais palakasin ng China ang pagtutulungan sa digital technology, cross-border data flow, malinis na enerhiya at pagpapaunlad ng maliliit at katamtamang negosyo.

Hinimok din ni Xi ang mga kasaping ekonomiya na magkaisa, palawakin ang kalakalan at pagtutulungan, at isulong ang inklusibo at makabagong pag-unlad sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --