
Aapela sina dating kongresista Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu sa desisyon ng Sandiganbayan Third Division na tanggihan ang kanilang petisyon para makapagpiyansa kaugnay ng kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱75 milyon.
Kasama si Senator Rodante Marcoleta, nagpahayag ng pagkadismaya ang dalawa sa naging desisyon ng anti-graft court.
Nakatakda silang maghain ng motion for reconsideration habang nananatili sa kulungan.










