Patuloy na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakatutok ang militar sa anumang pagbabago sa sitwasyon upang agad na makapagtugon, lalo na sa mga hakbang na may kinalaman sa seguridad ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar.
Dagdag pa niya, susunod ang AFP sa mga patakaran at desisyon ng higher authorities sa anumang aksyon na may kaugnayan sa patuloy na krisis sa rehiyon.
Tiniyak din ng AFP na prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at posibleng repatriation ng mga Pilipinong nasa Middle East sa gitna ng tensyon.