Nabigo sina Filipina tennis star Alex Eala at Felix Auger-Aliassime matapos talunin ng mag-asawang Elina Svitolina at Gael Monfils sa Round of 16 ng US Open mixed doubles.

Natalo ang Filipina-Canadian tandem sa straight sets, 4-1, 4-1, sa Louis Armstrong Stadium nitong Martes.

Nakuha nina Eala at Auger-Aliassime ang unang game sa opening set, ngunit hindi na nila naipagpatuloy ang kanilang magandang laro.

Sa loob lamang ng 39 minuto, tinapos nina Svitolina at Monfils ang laban upang umabante sa susunod na round.