
Sasabak sa isang kapana-panabik na homecoming match ang Filipina tennis star na si Alex Eala kontra kay Janice Tjen ng Indonesia sa Philippine Arena, sa December 8.
Tampok ang dalawang Southeast Asian tennis stars sa exhibition match na “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate,” na inorganisa ng Tatler Sports.
Layunin ng naturang event na ipakita ang world-class tennis habang ipinagdiriwang ang kultura at husay ng mga atleta.
Samantala, kasalukuyang nasa No. 16 spot ng WTA rankings si Eala—ang pinakamataas sa mga manlalaro mula Southeast Asia.
-- ADVERTISEMENT --










