
Nagtapos ang kampanya nina Alex Eala at Shaira Rivera sa women’s doubles ng 2026 Asian Games matapos matalo sa Chinese pair na sina Jiang Xinyu at Yang Zhaoxuan, 7-5, 6-2, sa Japan.
Naging dikit ang unang set matapos magpalitan ng mga panalo ang dalawang pares, ngunit nakakuha ng bentahe ang mga manlalaro ng China upang kunin ito, 7-5.
Mas nakontrol naman ng Chinese pair ang ikalawang set at tuluyang isinara ang laban sa 6-2.
Ilang oras lamang bago ang laban, nakakuha si Eala ng panalo sa women’s singles matapos talunin si Joanna Garland ng Chinese Taipei, 7-5, 6-0, para makapasok sa semifinals.
Sa singles, nakatakdang makaharap ni Eala si Wang Xiyu ng China sa semifinals.
-- ADVERTISEMENT --










