Sisimulan nina Alex Eala at Shaira Rivera ang kanilang women’s doubles campaign sa 2026 Asian Games matapos itakda ang laban nila kontra sa tandem ng Hong Kong na sina Ching Laam Lai at Kallista Liu.

Maghaharap ang dalawang pares sa Round of 32 ngayong Martes, kung saan target nina Eala at Rivera na umabante sa susunod na round.

Nauna nang nakapasok sa second round ang kapwa Filipinas na sina Stefi Aludo at Tenny Madis matapos talunin ang Indonesia pair na sina Anjali Junarto at Meydiana Reinnamah, 6-3, 7-6 (4).

Ikalawang event na ni Eala sa kanyang ikalawang Asian Games stint ang women’s doubles. Nauna na siyang umabante sa quarterfinals ng women’s singles matapos walisin si Patcharin Cheapchandej ng Thailand, 6-1, 6-0.

Target naman ng world No. 18 na si Eala na mapaganda ang kanyang double-bronze finish sa nakaraang Asian Games, kung saan nagkamit siya ng bronze medal sa singles at mixed doubles.

-- ADVERTISEMENT --