
Nabigo sina Filipina tennis star Alex Eala at Turkish partner na si Zeynep Sonmez kontra sa Ukrainian tandem nina Anhelina Kalinina at Dayana Yastremska, 6-2, 6-3, sa Round of 32 ng Wuhan Open doubles sa China nitong Martes.
Maagang nakalamang ang Ukrainian pair sa unang set at hindi na nakabawi sina Eala at Sonmez, na nagtangkang lumaban sa ikalawang set ngunit hindi naisalba ang laban matapos makapagtala ng magkakasunod na errors si Sonmez.
Dahil sa pagkatalo, tuluyan nang nagtapos ang kampanya ng magkaibigan sa Wuhan Open matapos kapwa ring mabigo sa kanilang singles matches.
Natalo si Eala sa pambungad na round kontra sa Chinese player na si Han Shi, habang yumuko naman si Sonmez kay Yulia Putintseva sa kani-kanilang laban sa singles.









