
Haharap muli ang Filipina tennis star na si Alexandra Eala kay Belgian player Elise Mertens sa Round of 32 ng Bad Homburg Open sa Germany ngayong Lunes ng gabi.
Ito ang magiging pagkakataon ni Eala na makabawi matapos talunin siya ni Mertens sa kanilang unang dalawang WTA tour meetings, kabilang ang 6-2, 6-2 na panalo ng Belgian sa Madrid Open noong Abril.
Papasok si Eala sa kanilang rematch bitbit ang magandang momentum mula sa kanyang sunod-sunod na laro sa grass court season, kabilang ang kanyang semifinal run sa Berlin Open.
Sa nasabing torneo, tinalo ng 21-anyos na si Eala ang ilang top-ranked players bago siya natigil sa kamay ng eventual champion na si Linda Noskova, dahilan para makabalik siya sa WTA Top 30 rankings at makakuha ng kauna-unahang seeding sa Wimbledon.
Samantala, si Mertens na kasalukuyang world No. 26 ay may karanasan na rin sa Bad Homburg Open matapos umabot sa Round of 32 sa 2025 edition.
Inaasahan ang matinding laban sa pagitan ng dalawang manlalaro sa kanilang unang pagkikita sa grass court tournament na ito.









