Ibinahagi ng Filipino tennis star na si Alex Eala ang kanyang karanasan sa US Open, kabilang ang pressure ng pagiging kinatawan ng Pilipinas at mga papuring natatanggap mula sa mga tennis superstar.

Sa panayam sa CBS Mornings, sinabi ni Eala na hindi niya palaging iniisip ang mas malaking larawan dahil maaari itong maging overwhelming, lalo na sa dami ng suportang natatanggap niya mula sa mga Pilipino.

Ayon kay Eala, bahagi ng pagiging competitive athlete ang pressure at itinuturing niya itong isang pribilehiyo.

Aniya, dahil sa mga karanasang nakuha niya ngayong taon, mas handa na siyang harapin ang mga high-pressure na sitwasyon.

Sa US Open, tinalo ni Eala sina American Mary Stoiana at Ukrainian Oleksandra Oliynykova bago siya tuluyang matalo ng kanyang kaibigang si Iva Jovic sa third round, 7-5, 3-6, 7-5.

-- ADVERTISEMENT --