
Malaki ang posibilidad na makamit ni Alexandra “Alex” Eala ang panibagong career-high sa WTA rankings matapos umabot sa semifinals ng Mubadala DC Open.
Matapos talunin ang world No. 10 na si Elina Svitolina, 6-3, 6-4, nakakuha si Eala ng garantisadong 195 ranking points at inaasahang aangat mula sa kasalukuyang world No. 28 patungo sa No. 25.
Sa panayam ng Tennis Channel, sinabi ng 21-anyos na Filipina tennis star na tila hindi pa rin kapani-paniwala ang inaasahang pag-angat sa rankings.
Ayon kay Eala, ipinagmamalaki niya ang narating na tagumpay habang patuloy siyang nakikipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo.
Ang opisyal na WTA rankings update ay inaasahang ilalabas sa Lunes.
-- ADVERTISEMENT --










