Magbubukas ang kampanya ni Alex Eala sa WTA 1000 National Bank Open sa Toronto sa ikalawang round matapos siyang mabigyan ng first-round bye bilang isa sa mga seeded players ng torneo.

Kasalukuyang nasa world No. 28 si Eala at kabilang sa mga nakatanggap ng bye kasama sina world No. 1 Aryna Sabalenka, Iga Swiatek, Elena Rybakina, Mirra Andreeva, at Jessica Pegula.

Gaganapin ang torneo mula Agosto 2 hanggang 13.

Bago ang National Bank Open, sasabak muna si Eala sa Mubadala DC Open kung saan makakaharap niya sa unang round ang reigning Olympic gold medalist na si Zheng Qinwen.

Ang dalawang torneo ay bahagi ng paghahanda ng Filipina tennis star para sa US Open sa huling bahagi ng Agosto.

-- ADVERTISEMENT --