Napigil pansamantala ang paghahangad ni Alex Eala ng kauna-unahang WTA Tour title matapos ihinto ng ulan ang kanyang laban kontra top seed na si Jessica Pegula sa final ng Mubadala DC Open.

Natapos muna ang unang set at tatlong laro sa ikalawang set bago muling pinatigil ang laro dahil sa sama ng panahon. Nang suspendihin ang laban, lamang si Pegula matapos niyang makuha ang unang set, habang lamang naman si Eala sa ikalawang set, 2-1.

Nagpakitang-gilas si Eala sa torneo matapos talunin ang ilang malalaking pangalan sa tennis gaya nina Zheng Qinwen, Leylah Fernandez, Elina Svitolina, at Naomi Osaka para makarating sa finals.

Ipagpapatuloy ang laban sa oras na pinayagan na ng organizers ang muling paglalaro.

Kapag nagwagi, magiging pinakamalaking tagumpay sa karera ni Eala ang pagkapanalo sa WTA 500 event.

-- ADVERTISEMENT --