
Nasungkit ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang pinakamalaking titulo sa kanyang karera matapos talunin ang top seed na si Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals ng 2026 Mubadala DC Open nitong Martes (oras sa Pilipinas).
Nagpakita ng matinding determinasyon si Eala matapos maantala ng halos 20 oras ang laban dahil sa masamang panahon.
Sa kabila ng pagkatalo sa unang set, bumawi ang 21-anyos na Pinay upang dominahin ang sumunod na dalawang set at maiuwi ang kampeonato.
Sa panayam matapos ang laban, sinabi ni Eala na naging inspirasyon niya ang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang buong laban.
Pinuri rin ni Eala si Pegula matapos ang laban at sinabing marami siyang natutunan sa kanilang paghaharap.Bombo Medico
Ito ang ikalawang pagkakataon ni Eala na nakapasok sa WTA final matapos mabigo noong nakaraang taon sa Eastbourne.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, inaasahang aangat si Eala sa career-high na world No. 20 sa WTA rankings.
Samantala, bigo naman ang hometown favorite na si Pegula na manatili sa ika-12 career title at ikatlong panalo ngayong season.










