Nagpahayag ng pasasalamat si Filipina tennis star Alex Eala matapos ang kanyang semifinal stint sa Berlin Tennis Open sa Germany.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Eala na hindi niya maipaliwanag ang lahat ng emosyon na kanyang naranasan sa torneo at lubos siyang nagpapasalamat sa naging karanasan.

Natapos ang kampanya ni Eala matapos siyang talunin ni Linda Noskova sa semifinals sa iskor na 6-2, 6-4.

Sa kabila ng pagkatalo, nagkaroon si Eala ng kahanga-hangang kampanya matapos talunin sina Donna Vekic, world No. 2 Elena Rybakina, at world No. 8 Elina Svitolina sa magkakasunod na laban.

Inaasahan namang muling sasabak si Eala sa kompetisyon ngayong linggo sa Bad Homburg Open bilang paghahanda sa mga susunod na torneo.

-- ADVERTISEMENT --