Nagtapos ang impresibong kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa Berlin Tennis Open matapos siyang matalo kay Linda Noskova, 6-2, 6-4, sa kanilang rain-delayed semifinal match.

Sa kabila ng pagkatalo, naging kapansin-pansin ang naging run ng Filipina tennis star matapos niyang pabagsakin ang world No. 2 Elena Rybakina sa Round of 16 at world No. 8 Elina Svitolina sa quarterfinals, na nagbigay sa kanya ng matinding atensyon sa internasyonal na tennis scene.

Sa finals, makakaharap ni Noskova si Jessica Pegula, na galing naman sa panalo kontra world No. 1 Aryna Sabalenka sa semifinals.