
Pasok na sa ikalawang round ng Dubai Tennis Championships si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na hindi itinuloy ni Hailey Baptiste ang laro sa ikalawang round.
Nakuha ni Eala ang unang panalo sa first round na 6-4.
Pagpasok ng ikalawang round ay naging matindi ang ipinakitang laban ng American tennis star.
Nagkamit pa ng maraming deuces si Eala subalit pagkalamang ni Baptiste ng 1-0 ay nagpasya itong itigil ang laro.
-- ADVERTISEMENT --
Nakaranas umano ang American tennis player ng pananakit sa tiyan kaya minabuti na magretire o hindi ituloy ang laban.
Labi na ikinatuwa ni Eala ang panalo kung saan ipinagdasal niya ang American tennis player na gumaling na.
Susunod na makakaharap nito ay si World number 8 na si Jasmine Paolini ng Italy




