
Muling ipinamalas ni Alex Eala ang husay ng isang Pilipinong atleta matapos niyang talunin si Cathy McNally ng United States sa Round of 16 ng Canada Open.
Maayos na sinimulan ni Eala ang laban at agad na nakuha ang unang set sa iskor na 6-3. Gayunman, naging mas dikit at mas matindi ang labanan pagsapit ng ikalawang set, kung saan nagpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro.
Habang nagpapatuloy ang laban, nakaramdam ng discomfort si Eala kaya humingi siya ng medical timeout. Sa kabila nito, hindi siya nagpatinag at muling bumalik sa court upang ipagpatuloy ang laban. Nanatiling determinado ang Filipina tennis star ngunit natalo sa ikalawang set sa iskor na 7-5.
Mas naging kapana-panabik ang third set matapos muling magpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro. Nakontrol ni Eala ang momentum at tuluyang nakuha ang ikatlong set sa iskor na 6-4.
Dahil dito, uusad si Alex Eala sa quarterfinals o Round of 8 ng Canada Open, patunay ng kanyang patuloy na pag-angat sa larangan ng tennis.










