Pasok na sa main draw ng Strasbourg Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos siyang maiangat mula sa qualifiers ng WTA 500 tournament sa France.

Ayon sa Women’s Tennis Association (WTA), makakaharap ni Eala ang isang qualifier sa Round of 32 ng torneo na magsisimula ngayong Linggo.

Kabilang din sa main draw ng kompetisyon sina Madison Keys, Leylah Fernandez, Clara Tauson, at Ekaterina Alexandrova.

Mula si Eala sa kanyang kampanya sa Italian Open kung saan nagtapos siya sa third round matapos matalo kay world no. 2 Elena Rybakina.

Ang Strasbourg Open ang ikalimang torneo ni Eala sa clay-court swing ngayong season.

-- ADVERTISEMENT --