
Umabante sa quarterfinals ng WTA 125 Birmingham Open si Alexandra “Alex” Eala matapos talunin si Alina Charaeva, 6-2, 7-5, nitong Huwebes.
Matapos ang panalo sa unang set, nahirapan si Eala sa ikalawang set kung saan naungusan siya ni Charaeva sa 5-2.
Gayunman, nakabawi ang Filipino tennis player at nanalo sa sunod-sunod na laro upang tuluyang makuha ang panalo at tapusin ang laban sa dalawang set.
Dahil sa panalo, haharap si Eala sa pamilyar na katunggali na si Mananchaya Sawangkaew ng Thailand sa quarterfinals.
Naging magkatunggali ang dalawa sa gold medal match ng 2025 Southeast Asian Games noong nakaraang Disyembre.
-- ADVERTISEMENT --










