
Pasok na sa Round of 32 ng Wimbledon si Alex Eala matapos magpakawala ng matinding comeback kontra kay Maya Joint ng Australia, 3-6, 6-2, 6-0.
Matapos mabigo sa unang set, mabilis na bumawi si Eala sa ikalawa bago tuluyang dominahin ang deciding set sa pamamagitan ng 6-0 shutout upang maitala ang panalo at maipaghiganti ang naging pagkatalo niya kay Joint sa Eastbourne Open noong nakaraang taon.
Sa susunod na round, makakaharap ni Eala ang limang beses na Grand Slam champion na si Iga Swiatek para sa puwesto sa fourth round.
Bukod dito, sasabak din siya sa doubles event kasama ang Czech partner na si Nikola Bartunkova laban kina Sofia Kenin at Jelena Ostapenko.








