
Nananatiling positibo si Alexandra “Alex” Eala sa kabila ng pagkatalo niya sa kanyang kaibigang si Iva Jovic sa third round ng US Open.
Tinalo ni Jovic si Eala, 7-5, 3-6, 7-5, para tuldukan ang kampanya ng Filipina tennis star sa torneo.
Ayon kay Eala, nakikita niya ang pag-unlad sa kanyang laro kumpara sa mga dati nilang paghaharap ni Jovic.
Aniya, nagkaroon siya ng mga pagkakataong manalo at naging mataas ang antas ng kanilang laban.
Ikatlong beses na itong natalo si Eala kay Jovic sa kanilang career meetings.
-- ADVERTISEMENT --
Aminado man siyang dismayado sa resulta, sinabi niyang marami pa rin siyang positibong makukuha mula sa laban.










