Sasabak ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa nalalapit na Asian Games.

Ayon kay PHILTA secretary general at Navotas City Mayor John Rey Tiangco, pinili ni Eala na kumatawan sa Pilipinas kahit kasabay ng Asian Games ang ilang torneo ng WTA.

Gaganapin ang tennis event ng Asian Games pagkatapos ng Singapore Tennis Open na nakatakda sa Setyembre 21 hanggang 27.

Sinabi ni Tiangco na magiging abala ang schedule ni Eala matapos ang US Open dahil tutungo pa ito sa Singapore bago bumiyahe patungong Nagoya para sa Asian Games.

Sa nakaraang Asian Games, nakakuha si Eala ng bronze medal sa singles at mixed doubles. Noong nakaraang taon naman, nagwagi siya ng kanyang unang gold medal sa Southeast Asian Games.

-- ADVERTISEMENT --