Umakyat sa second round ng women’s doubles sa 2026 Asian Games sina Alex Eala at Shaira Rivera matapos talunin ang Hong Kong tandem na sina Lai Ching Laam at Kallista Liu, 6-1, 6-3.

Mabilis na bumawi ang Pinay tandem matapos maiwan sa unang game at sunod-sunod na kunin ang anim na laro para dominahin ang unang set.

Sa second set, nakabawi ang Hong Kong at nagtabla sa 2-2, pero muling nakontrol nina Eala at Rivera ang laro hanggang tuluyang isara ang laban.

Ito ang unang pagsasama nina Eala at Rivera sa isang doubles event.

Sa second round, makakaharap nila ang Chinese pair na sina Jiang Xinyu at Yang Zhaoxuan.

-- ADVERTISEMENT --