
Naghatid ng panibagong karangalan sa bansa si Alex Eala matapos masungkit ang kampeonato sa WTA 125 Birmingham Open sa England nang talunin si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 5-7, 6-3, 7-5, sa isang matinding laban sa finals.
Matapos mabigo sa unang set, bumawi si Eala sa ikalawang set upang itabla ang laban bago ipinakita ang kanyang tibay at determinasyon sa deciding set para makuha ang titulo.
Dahil sa tagumpay, napabilang si Eala sa hanay ng mga kilalang kampeon ng Birmingham Open tulad nina Billie Jean King, Maria Sharapova at Ash Barty.
Nagpasalamat naman ang Filipina tennis star sa kanyang mga tagasuporta, kabilang ang mga Pilipinong nagbigay ng suporta sa kanya sa torneo.










