Napunta kay Filipina tennis star Alex Eala ang malaking entablado sa kaniyang unang laban sa 2026 US Open matapos itakda ang kaniyang opening match sa 14,000-seat Louis Armstrong Stadium sa New York.

Bilang 17th seed sa torneo, haharap si Eala sa American qualifier na si Mary Stoiana.

Ayon sa tournament director na si Eric Butorac, malaki ang demand sa tickets para sa laban ni Eala kaya napili itong ganapin sa isang major stadium.

Mas malaking venue ito kumpara sa ilang opening matches ng mas matataas ang ranking na manlalaro.

Inaasahan ding dadagsa ang mga Filipino fan upang suportahan si Eala sa kaniyang kampanya sa US Open.

-- ADVERTISEMENT --