
Target ni Filipina tennis star Alex Eala na maihatid ang kauna-unahang Asian Games gold medal para sa Pilipinas sa 20th Asian Games sa Japan ngayong taon.
Ayon sa world No. 28, kabilang sa kanyang mga plano ang pagsabak sa Asiad matapos ang makasaysayan niyang kampanya sa Wimbledon.
Nais din niyang muling makalaro kasama ang kapwa atletang Pilipino, na aniya’y nagbibigay ng kakaibang inspirasyon kumpara sa mga torneo sa WTA Tour.
Gayunman, posibleng maging hamon ang pagsabay ng Asian Games at China Open, isang WTA 1000 event.
Sa kabila nito, iginiit ni Eala na ang kanyang pangunahing layunin ay makapag-uwi ng gintong medalya para sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --









