
Umakyat sa Round of 32 ng Cincinnati Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos umatras sa kalagitnaan ng laban ang Romanian player na si Elena-Gabriela Ruse dahil sa umano’y injury.
Nanguna si Eala, 6-1, 3-0, bago tuluyang umatras si Ruse. Matapos ang mabagal na simula, mabilis na nakahanap ng ritmo ang 21-anyos na Pinay at napanalunan ang anim na sunod na games sa unang set.
Nagpatuloy ang magandang laro ni Eala sa second set at agad na nakalamang ng 3-0 bago humingi ng medical timeout si Ruse para ipagamot ang kanyang kanang bukung-bukong.
Naantala rin ang laro dahil sa kidlat at ulan bago tuluyang umatras si Ruse.
Sa Round of 32, target ni Eala na makabawi matapos ang kanyang fourth-round exit sa Canadian Open.
-- ADVERTISEMENT --








