
Umarangkada sa semifinals si Alex Eala matapos talunin si Joanna Garland ng Chinese Taipei, 7-5, 6-0, sa quarterfinals ng women’s singles tennis sa 2026 Asian Games sa Japan.
Matapos makuha ni Garland ang set point sa unang set, bumawi si Eala at nanalo sa tatlong sunod na laro upang agawin ang set, 7-5.
Tuluyan namang nakontrol ni Eala ang ikalawang set at agad na nakalamang ng 4-0 bago tuluyang walisin si Garland, 6-0.
Dahil sa pagpasok sa semifinals, pasok na si Eala sa Top 4 at nakatakda nang makatanggap ng hindi bababa sa bronze medal.
Makakaharap niya sa semifinals ang beteranang si Wang Xiyu ng China.
Target ni Eala na makapasok sa finals at maging kauna-unahang Filipina na makapag-uwi ng gintong medalya sa tennis sa kasaysayan ng Asian Games.










