Muling gumawa ng kasaysayan si Alex Eala matapos patalsikin ang defending champion na si Iga Swiatek sa ikatlong round ng 2026 Wimbledon Championships sa bisa ng 7-6(9), 6-2 na panalo.

Matapos ang mahigpit na unang set na umabot sa tiebreak, tuluyang nakontrol ni Eala ang ikalawang set upang pabagsakin ang World No. 3 at makausad sa Round of 16 ng torneo.

Sa susunod na yugto ng Wimbledon, makakaharap ni Eala ang Italyanang si Jasmine Paolini para sa pagkakataong makapasok sa quarterfinals.