Tuguegarao City- Patay ang Ama habang sugatan ang kanyan anak matapos bumangga ang sinakyang motorsiklo sa kongkretong pader sa bahagi ng Brgy. Nanarian, Penablanca, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina George Baccay, 50 at ang anak nito na si Cherry Ann, 10 at kapwa residente ng Brgy. Malibabag.

Ayon sa ulat ng pulisya, matulin ang takbo ng motor na minaneho ni George kaya na-overshoot ito sa pakurbadang kalsada sa Barangay Nanarian hanggang sa mabangga sa bakod.

Sa lakas ng pagkakabangga ay agad na binawian ng buhay si George habang nasugatan sa labi ang kanyang anak.

-- ADVERTISEMENT --

Pauwi na sana mula sa trabaho ang ama at angkas nito ang kanyang anak nang mangyari ang aksidente.

Nabatid pa na positibo sa nakalalasing na inumin si George.