Patay ang isang ama matapos siyang pagpapaluin ng kahoy at pala ng sariling anak sa loob ng kanilag bahay sa Barangay Tapak, Davao City, noong Martes ng gabi

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagkakape ang 58-anyos na ama nang dumating sa bahay ang 30-anyos na anak na may hawak ng kahoy.

Walang sabi-sabi, basta na lang umanong hinataw ng suspek ng kahoy ang biktima.

Hindi pa nakuntento ang anak at kinuha ang isangh pala at ipinalo sa kanyang ama hanggang sa mamatay.

Personal na galit ang tinitingnan ng mga awtoridad na motibo ng suspek sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Nadakip na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.