Umaasa ang mga magulang ng Amulung Arnis Team na mapagbibigyan ang kanilang kahilingan na makasali ang kanilang mga atletang anak sa Palarong Pambansa 2026 na gaganapin sa Agusan Del Sur.

Ito ay matapos umanong hindi irekomenda ng Tournament Director at CAVRAA Board ang mga atleta para sa Palaro gayong nagwagi ang mga ito bilang Overall Champion sa Elementary Level sa CAVRAA Meet 2026, na nakakuha ng 8 gold medals, 3 silver medals, at 2 bronze medals.

Sa kabila ng tagumpay, nalaman nila noong Abril 30, 2026 na hindi kasama ang mga batang kampeon sa listahan ng lalahok.

Ayon kay Rea Tabagay, ina ng isang gold medalist sa Arnis na labis ang kalungkutan ng mga magulang at atleta dahil sa matagal nilang paghahanda, sakripisyo, at gastos.

Nanawagan sila kay Governor Edgar Aglipay na bigyan pa ng pagkakataon ang mga bata na lumahok, dahil karangalan ito para sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga atleta ng Amulung Arnis Team ay sina:

Alden John Gambol
Rhein Cabag
Kay-Ann Tanay
Jiah Tabagay
Eurycleia Casey Cancejo
Olsen Tabaog