
Itinanggi ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. na siya ang nag-arrange ng mga abogadong sina Israelito Torreon at Jimmy Bondoc para kumatawan sa pamilya ng yumaong Ateneo student-athlete na si Rene Baterbonia.
Ayon kay Cane, hindi niya personal na kilala ang dalawang abogado at wala siyang naging papel sa pagkuha ng mga ito bilang legal counsel ng pamilya.
Sinabi rin ng gobernador na boluntaryong nag-alok ng serbisyo si Atty. Torreon para sa pamilya, ngunit nilinaw niyang hindi siya ang nakipag-ugnayan o nag-ayos nito.
Giit pa niya, nasa pamilya pa rin ang desisyon kung sino ang kanilang kukuning abogado sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng insidente.









