Sinibak sa pwesto ng PNP-Training Service ang 6 nilang tauhan sa Regional Special Training Unit sa Cordillera Administrative Region na sangkot umano sa barracks rental kickback scheme.

Ayon kay Training Service Acting Director PBGen Rolindo Suguilon, pinatawan ng administrative relieve ang 6 matapos ang viral post sa social media nitong April 19.

Nabatid na sinasabing umiiral ang kickback scheme sa Regional Special Training Units para sa 6-Month Field Training Program immersion phase ng police trainees.

Tinataasan umano ng mga pulis ang rental rates o pinapatawan ng P500 mark-up per month ang mga trainees.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --