
Nasagip ng Philippine National Police Maritime Group ang apat na exotic tarantula sa Olongapo City, Zambales, ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR Central Luzon.
Agad na itinurn-over sa DENR ang mga tarantula para sa wastong paghawak bago inilipat sa isang wildlife rescue center sa Olongapo para sa pagsusuri at pangangalaga.
Kabilang sa mga nasagip ang Chaco golden knee, Mexican flame, Mexican fireleg at curly hair tarantula.
Pinaalalahanan naman ng DENR ang publiko na mahigpit na kinokontrol ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pagmamay-ari, pagbiyahe at pangangalakal ng wildlife.
Ayon sa DENR, dapat makipag-ugnayan sa ahensya sa halip na basta mag-ingat, magbiyahe o magpakawala ng exotic wildlife nang walang kaukulang awtorisasyon.










