
Nasawi ang apat na piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos magbanggaan sa himpapawid ang dalawang SF-260 training aircraft sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, noong Biyernes ng hapon, Oktubre 23.
Sa pahayag ng PAF nitong Sabado, kinumpirma ng ahensiya ang pagkamatay ng apat na piloto na sangkot sa insidente habang nagsasagawa ng training flight.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Philippine Air Force ang insidente upang matukoy ang mga pangyayaring humantong sa banggaan ng dalawang sasakyang panghimpapawid.










