Kumpirmadong nasawi ang lahat ng siyam na sakay ng isang private jet na bumagsak sa residential area malapit sa Cresthaven sa Palm Beach County, Florida, humigit-kumulang siyam na milya mula sa Mar-a-Lago estate ni US President Donald Trump.

Ayon sa Federal Aviation Administration o FAA, bumagsak ang Learjet 60 dakong alas-12:50 ng tanghali nitong Linggo, Nobyembre 1.

Mula sa Austin-Bergstrom International Airport sa Texas ang eroplano at patungo sana sa North Eleuthera Airport sa Bahamas nang mangyari ang aksidente.

Sa kuha ng dashcam, makikitang mabilis na bumulusok ang eroplano bago sumalpok sa lupa at sumabog.

Tinawag naman ni US Transportation Secretary Sean Duffy na isang malagim na trahedya ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpadala na ang FAA ng team upang suportahan ang imbestigasyon ng National Transportation Safety Board o NTSB. Patuloy ding inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at kung may mga residenteng naapektuhan sa lupa.