Humiling si dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa National Bureau of Investigation (NBI) na ipagpaliban ang kanyang pagharap kaugnay ng imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13, ilang oras bago nakaalis sa gusali si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Aplasca, hiniling niya ang deferment dahil sa nakatakdang pagdinig ng Senado hinggil sa mga pangyayaring naganap mula Mayo 11 hanggang 14.

Aniya, nagsumite rin siya ng kaparehong kahilingan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakaraang linggo.

Matatandaang kabilang si Aplasca sa mga iniimbestigahan kaugnay ng umano’y paglabag sa mga security protocol sa loob ng Senado matapos ang insidente ng pamamaril at ang pag-alis ni Senador dela Rosa sa gusali.