
Nakakuha na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mas tiyak na impormasyon na maaaring makatulong para matukoy ang kasalukuyang kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, patuloy ang kanilang pagtugis sa senador at ipatutupad nila ang arrest warrant laban dito.
Sinabi ni Matibag na maingat ang kanilang operasyon dahil sa dating pagiging law enforcement officer at senador ni dela Rosa, gayundin sa posibilidad na may iba pang indibidwal na tumutulong sa kaniya upang makaiwas sa mga awtoridad.
Matatandaang wanted si Dela Rosa ng International Criminal Court kaugnay ng kasong crimes against humanity na nag-ugat sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nagpapatuloy rin ang pangangalap ng impormasyon ng NBI para matukoy ang kinaroroonan ni dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.
Nahaharap sa arrest warrant kaugnay ng pagkamatay ni Jun Villamor, ang umano’y middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid noong 2022.
Sa huli, itinanggi naman ni Bantag ang mga paratang laban sa kaniya.










