Muling magsasagawa ng excavation at exploration ang mga archeologist mula sa University of the Philippines at Natural History Museum of Paris, France sa Solana, Cagayan.

Sinabi ni Niño Kevin Baclig, Curator ng Cagayan Museum na isa ito sa kanilang tinalakay sa kanilang pulong kasama ang iba’t ibang museum partners kabilang ang National Museum of the Philippines (NMP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Cultural Properties Division, University of the Philippines Archaeology, at mga archaeologist mula sa Natural History Museum of Paris, France.

Ayon kay Baclig, umaasa ang mga archeologist na makakadiskubre o makakahukay ng iba pang artifacts ng mga sinaunang hayop sa nasabing bayan.

Sa nasabing bayan nahukay ang ilang fossils ng mga hayop tulad ng elepante at rhinoceros.

Napagkasunduan din sa pulong ang pagpapaigting at pagtutulungan para sa pangangalaga sa yamang kultural ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Baclig, napakayaman ng lalawigan sa archeological materials.

Kaugnay nito, hiling niya sa publiko na ipagbigay-alam sa Cagayan Museum ang anomang kahina-hinala na illegal traffiking ng mga fossils at antiques.

Ibinahagi din niya na kailangan din ng permit mula sa NCCA ang pagsasagawa treasure hunting.

Mababatid na nadiskubre sa yungib sa Peñablanca, Cagayan ang fossils ng sinaunang specie ng tao na tinawag na Homo luzenensis na batay sa pagsusuri, ito ay 134, 000 years old.