
Iniurong sa August 18 ng Sandiganbayan Second Division ang arraignment ni dating Departmentof Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kasong Graft, dahil sa nakabinbin pang motion for reconsideration ng prosekusyon.
Kasunod ito ng pagbasura ng korte sa motion for leave to file amended information o ang pag-alis kay Bonoan bilang kapuwa-akusado ni Senator Jinggto Estrada sa kasong Graft kaugnay ng umano’y kickback scheme sa flood control projects.
Ayon sa prosekusyon, hindi umano mababago ang impormasyon ng kaso kahit na alisin si Bonoan bilang akusado, taliwas sa sinasabi ng depensa na mababago umano nito ang teorya ng kaso.
Samantala, hanggang ngayong Miyerkules naman ang deadline ng kampo ni Sen. Estrada para maghain ng komento sa motion for reconsideration ng prosekusyon.




